Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada ng Team Philippines-E sa swimming competition kahapon sa ikalawang araw ng 2024 Brunei Darusalam, Indonesia, Malaysia, Philippines East Asia Growth Area Friendship Games (DICT-PSA BIMP-EAGA) na ginanap sa Ramon V. Mitra Sports Complex dito.
Dinomina ni Fernandez ang women’s 100-m backstroke sa oras na 1:07.21 at pinangunahan ang panalo ng Team Philippines E sa women’s 4×50-m medley relay (2:06.68) at women’s 4×50-m freestyle relay (1:55.76). Bukod sa tatlong ginto sa swimming kahapon, naka-kuha rin ng isang ginto at isang silver noong Lunes si Fernandez para sa kabubuang 4 golds at 1 silver at malakas na kandidato bilang most bimedalled athlete sa isang linggong palakasan.
“It’s a fun experience kasi dito talaga ako nag-umpisa at nag-cocompete. Dito rin po ako natutong lumangoy kasi dito ako lumaki at nag-aaral simula kindergarten at sa edad na kinder natututo akong lumangoy at sumasali sa ibat’ibang international competition,” sabi ng 19-anyos na si Fernandez na ngayo’y second year student ng University of the Philippines.
Patuloy din ang sinimulan ng Philippines Team A matapos umukit sa kanilang tig-ikatlong gintong medalya sina Philip Adrian Sahagun sa men’s 100-m backstroke (1:00.82) at Lisa Margarette Amoguis sa women’s 200-m butterfly (2:34.74). Namayani rin ang Team A sa men’s 4×50-m medley relay (1:43.23).
“Sobrang malaking boost po sa akin na makita ko po ‘yong mga familiar faces. It really brings so much joy and energy. Hindi ko po ini-expect na makuha ang maraming medalya. Hopefully, sa loobin ng Panginoon, magdagan pa ang mga medalya kung ito,” dagdag ni Fernandez na tubong Puerto Princesa City, Palawang at sumasali sa kabuuang anim na events sa swimming.
Bukod sa tatlong ginto sa swimming kahapon, naka-kuha rin ng isang ginto at isang silver noong Lunes si Fernandez para sa kabubuang 4 golds at 1 silver at malakas na kandidato bilang most bimedalled athlete sa isang linggong palakasan.
Sa athletics event na ginawa rin sa RVM Sports Complex, nasungkit ni Arriel Haruddin Muhammad ng Indonesia ang titulong “fastest runner” matapos pagharian ang 100-m dash sa oras na 10.89 seconds, pumapangalawa naman si Ameer Izzudin Abdul Rauf ng Malaysia B sa oras na 11.03 seconds. Napigilan naman ni Jully Jan Molines ng Philippines -A ang all-foreign domination pagkaraang angkinin ang bronze medal sa oras na 11.18 seconds.
Naungusan din ni Rizkah Abdullah ng Malaysia- B si Jean Hazel Guibane ng Philippines A sa women’s century dash. Nag-oras si Abdullah ng 12.84-segundos habang nagtala si Guibane ng 12.86 segundos. Nasa ikalong puwesto ang Indonesian sprinter Sukarmang N Narintan sa 12.89 segundos.
Namayani rin si Ibwine Idres ng Malaysia B sa men’s 400-m run sa oras na 50.61 segundos at sumunod si Muhammad Darus ng Malaysia B sa 51.34 at nakuha ni Jan Gilbert Bayang ng Philippines A ang bronze medal sa kanyng 52.09 segundos. Pinag-bidahan naman ni Milchay Moreno ng Philippines team A ang women’s 400-m run sa oras na 1:00.11 at binagsak Shakira Natasha ng Malaysia-B silver medal sa oras na 1:02.44 at bronze medal naman ang nakuha ni Crislyn Wenceslao ng Philippines-A sa 1:02.77.
Hindi rin nagpahuli ang Team Philippines E sa medal-rich athletics sa pamamagitan ni Kenn C. Lucero pagkaraang sungkitin ang gintong medalya sa men’s long jump sa 6.77 metros, pumapangalawa si Adder Efandi ng Malaysia B sa 6.72-meter at ikatlo si Brian Dy ng Philippine team A sa 6.61 metros.
Sa 4×100 mixed relay namayani ang Indonesian quartet na sina Reno, Ramadhani Suci, Ariel Hairuden Muhammad at Sulkarnang sa oras na 46.61 segundos, pumapangalawa sina Jully Jan Molinos, Jhance Bautista, Rey Cabangbang at Hazel Jean Guibon sa oras na 47.11 segundoa at pangatlo sina Mike Diocariza, Nikki Dalnay, Kevin Bonbon at Pearl Salas ng Philippines -E sa 49.40 segundos.
Nakuha rin ng Indonesian team nina Regina Tania at Rasya Ramadian Muhammad ang ginto sa arechery comound mixed team sa score na 153 habang sina Dayla Batrisya at Amasyri Mohd ng Malaysia B ang nagwagi sa archery recurve mixed team event.
More Stories
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
2 tulak, tiklo sa Malabon drug bust