September 28, 2024

FEMALE GYMNAST GOLD MEDALIST OLYMPIAN, PUMATOL KAY VLADIMIR PUTIN

Si Russian President Vladimer Putin ang tipo ng kelot na talaga namang matinik sa mga kababaihan. Basta kursunada niya ang isang maganda at seksing bebot, tiyak na magiging bahagi ito ng kanyang buhay.

Kung kaya, markado rin ang naturang lider na may bahid umano ng pagka-pedophile dahil sa kanyang pagkahilig at pagkagusto sa mga batang babae na kanyang nililigawan at nakakarelasyon. Naging apple of the eye ang isang atleta noon sa Russian lider.

Siya’y isang Olympic gymnast na si Alina Kabaeva, na siyang pinaka-pamosong Russian athlete sa nakalipas na dalawang dekada sa naturang nasyon. Sinasabi ng mga media sa Moscow na nagkakilala ang dalawa noong 2008 at doon nagsimula ang kanilang love affair.

Mula noon, lalo pang napabantog ang gymnast at isa sa tinitingalang babae sa Russia. Kalaunan, sumabak ang bebot sa politika at nagwagi sa halalan. Gayunman, nalagay sa kontrobersiya ang imahe ni Putin bilang pinuno dahil sa kanilang relasyon. Aniya, hindi na-link o napaulat na may nanligaw o dumiga sa bebot. Kundi, si Putin lamang. 


Ang naturang bebot ay naging cover ng January 2011 ng Russian Vogue. Marami ang naniniwala at kumbinsidong espesyal ang naturang babae kay Putin. Isa pa, si Kabaeva umano ang ina ng love child ni Putin. Kung kaya’y binansagan si Kabaeva na ‘Russian First Mistress’.

Gumawa na rin noon ng ingay ang naturang bebot sa mga nakalipas na taon dahil sa siya ang pinaghihinalaang naging dahilan ng paghihiwalay ni Putin at ng kanyang asawang Lyudmila noong 2013. Pero, sa ulat ng Moscow Newspaper na pag-aari ni media  tycoon at dating KGB spy Alexander Levedev, si Putin ang nakipaghiwalay sa kanyang misis.

Ayon sa mga kritiko, talagang inalagaan ng Russian lider ang bebot, dahilan upang maging ubod ng seksi at suki ng ilang pamosong Russian magazines. Naging cover girl din ito ng babasahing Maxim at FHM.

Si Kabayena ay naglingkod noon bilang State of Duma deputy mula sa Pro-Kremlin Party of United Russia Parliament sapol pa noong taong 2007.Bago nito, Siya’y naging matagumpay sa rhythmic gymnast na nakakopo ng 2 gold medals sa 2004 Athens Olympics, 18 World championships medals, at 25 European championship medals. Nakasungkit din siya ng bronze medal sa gymnastics noong 2000 Sydney Olympics.


May sitsit pa nga noon na na-engaged ang naturang bebot upang magpakasal kay Putin noong Mayo 2011. Naniniwala ang maraming Russian na ikinasal na ang dalawa sa St. Petersburg. Noong Mayo 2019, napaulat na nanganak ng kambal si Kabaeva.