December 24, 2024

FEJODAP prexy at dating 1UTAK solon na si Zenaida Maranan pumanaw na, 75

PUMANAW na si Federation of Jeepney Operation and Driver Association of the Philippines (FEJODAP) national president at dating 1UTAK partylist Rep. Zenaida Maranan sa edad na 75.

Si Maranan o mas kilala na “Ka Zeny” ay nagsilbing representate ng public transport sector sa Kongreso mula 2012 hanggang 2013.

Kasama rin siya sa nakipaglaban para maibalik ang traditional public utility jeepneys sa mga lansangan na nawalan ng hanapbuhay magmula nang pumutok ang COVID-19 pandemic dahilan para sila ay mamalimos sa mga lansangan.

Nagdadalamhati naman si George San Mateo, president ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) sa pagpanaw ng isa sa mga haligi ng jeepney sector.

“Kami po sa PISTON ay nabigla, nalungkot, at taos-pusong nagpapaabot ng aming pakikiramay at pakikidalamhati sa mga mahal sa buhay, kapamilya at sa lahat ng mga kapatid nating jeepney drivers at operators mula sa FEJODAP sa biglaang pagpanaw ng ating kasamahan sa transport sector na si Mrs. Zenaida ‘Zeny’ Maranan, national president ng FEJODAP (We at PISTON are shocked and saddened. We sincerely extend our sympathy and condolences to the loved ones, family members, and to all our fellow jeepney drivers and operators from FEJODAP on the sudden passing of our colleague in the transport sector Mrs. Zenaida ‘Zeny’ Maranan, national president of FEJODAP),” ani ni San Mateo sa kanyang Facebook post.

Bukas sa publiko ang burol sa labi ng dating mambabatas simula Lunes, Hulyo 13, hangang Martes, Hulyo 14, sa Haven of Angels Memorial Chapels and Crematorium sa Sumulong Highway, Antipolo.

Sa isang panayan, sinabi ng asawa ng pamangkin ni Maranan na si Ronald Zapanta, kahapon ng alas-5:00 ng hapon nang pumanaw ang dating kongresista dahil sa cardiac arrest.