
PNEUMONIA ang sakit ni Donita Nose, pero ayon sa Kapuso TV Host ay baka COVID-19 na ang karamdaman niya.
“Halos isang linggo na akong may lagnat, ubo at diarrhea. Nang nahirapan na akong huminga ay nagpasya na akong pumunta ng St. Luke’s. Sumailalim na ako sa swab test, ngayon nga ay na sa ER ako at kanilang minomonitor, baka magtagal ako dito sa ER kasi Wala pang bakanteng room at pang 20 ako na waiting.
“Baka two days malaman kona resulta nang swab test ko, pero feeling ko talaga COVID-19 ang sakit ko. Ang advice ko lang, huwag kayong matakot dahil hindi naman natin gustong magkaroon ng ganitong klase ng sakit. Iba ang tingin sa iyo ng mga tao kapag may COVID ka, grabe.” Naluluhang pahayag ni Donita Nose.
More Stories
“PAALAM, SUPERSTAR! Nora Aunor, inilibing na sa Libingan ng mga Bayani”
Barni, anak ni Hajji Alejandro, nagluksa sa Social Media—“I’m gonna miss you forever, Daddywaps”
MGA ILLEGAL NA TINDAHAN, VIDEOKE AT EATERIES SA MATABUNGKAY BEACH, IPAPAGIBA NA NG KORTE SUPREMA