November 3, 2024

FDA NAGBABALA SA PAGKAIN, PAGBILI NG BONGBONG’S PIAYA

BINALAAN ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at pagkain ng Bongbong’ piaya, isa sa pinakamasarap na pagkain sa Negros Occidental, matapos mabigo na sumailalim sa evaluation process ng ahensiya.

Ayon sa ahensiya, hindi rehistrado sa FDA ang piaya, na gawa sa tinapay na walang lebadura na puno ng muscovado. Ganito rin ang nangyari sa Reno liver spread noong 2020, na tinanggal sa estante ng mga tindahan dahil sa hindi rin nakarehistro. Hindi rin nagtagal ay naresolba rin ang isyu,

Nagbabala rin ito laban sa pagbili at paggamit ng Bongbong’s polvoron, Food Products barquillos short, Mayo Bay Tablea at Ruffa’s banana chips.

“Since these unregistered food products have not gone through evaluation process of the FDA, the agency cannot assure its quality and safety,” saad nito,

Pinaalalahanan naman ng FDA ang publiko na suriin ang produkto kung nakarehistro ito sa ahensiya upang matiyak ang kaligtasan at kalidad sa pamamagitan ng pagbisita sa FDA Verification Portal.