
MAYNILA — Pinalawak ng Food and Drug Administration (FDA) ang listahan ng mga gamot na hindi na papatawan ng 12% value-added tax (VAT) sa pamamagitan ng pag-endorso ng sampung bagong gamot, ayon sa inilabas nitong advisory nitong Miyerkules.
Ayon sa FDA Advisory No. 2025-0510, ang mga bagong gamot ay para sa mga karamdaman na malaking suliranin sa kalusugan ng publiko at nangangailangan ng matagal at mahal na paggamot.
Kasama sa mga bagong gamot na VAT-exempt ang mga panlaban sa mataas na cholesterol, cancer, diabetes, hypertension, at mental health disorders. Layunin nito na mapababa ang gastusin sa pangangalaga sa kalusugan at mapadali ang pag-access ng mga Pilipino sa dekalidad na gamot.
Narito ang mga gamot na bagong isinama sa VAT exemption:
- Tegafur + Gimeracil + Oteracil Potassium (para sa cancer)
- Metformin Hydrochloride + Teneligliptin (para sa diabetes)
- Atorvastatin + Fenobribrate (para sa mataas na cholesterol)
- Metoprolol tartrate + Ivabradine (para sa hypertension)
- Lamotrigine (para sa mental illness)
Anila, ang hakbang na ito ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas mura at mas madaling makuha ng mga Pilipino ang mga gamot.
Kaugnay nito, pinaalalahanan din ang Bureau of Internal Revenue, Bureau of Customs, at Department of Trade and Industry na tiyakin ang maagap na pagpapatupad ng benepisyong ito para sa kapakinabangan ng lahat ng mamamayan.
More Stories
Pacers Bumawi, Tinambakan ang Thunder sa Huling Yugto para Makuha ang 2-1 NBA Finals Lead
Tulak, isinelda sa P340K droga
No. 4 regional top most wanted person, huli sa Caloocan