
MALABON CITY — Kalaboso ang bagsak ng isang 49-anyos na farm helper na wanted sa kasong panggagahasa matapos matimbog ng mga pulis sa isang manhunt operation sa Brgy. Tonsuya, Malabon pasado hatinggabi, Linggo.
Kinilala ng Malabon City Police Station ang suspek bilang kabilang sa listahan ng Most Wanted Person (MWP) ng lungsod.
Ayon kay P/Col. Jay Baybayan, hepe ng Malabon CPS, nakatanggap sila ng intel hinggil sa kinaroroonan ng akusado. Agad silang nagbuo ng operatiba at dakong alas-12:05 ng hatinggabi, nahuli ang suspek sa Roque St., Brgy. Tonsuya.
Hinuli ang akusado sa bisa ng Alias Warrant of Arrest para sa kasong Rape, na inisyu ng Malabon City RTC Branch 169 noong Setyembre 25, 2018, na may rekomendadong piyansang ₱200,000.
Sa ngayon, pansamantala itong nakakulong sa custodial facility ng Malabon CPS habang hinihintay ang commitment order para sa pormal na paglipat sa city jail.
Pinuri ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District (NPD), ang matagumpay na operasyon ng Malabon CPS at muling binigyang-diin ang dedikasyon ng kanilang hanay sa paghahatid ng hustisya.
“Hindi kami titigil sa pagtugis sa mga kriminal. Hangga’t may wanted, may pulis na maghahanap,” diin ni Gen. Ligan.
More Stories
PINOY PATAY SA NAKAKAKILABOT NA PANLOLOOB SA MILAN
ALTERNERGY, TUMANGGAP NG ₱3.3-BILYON PARA SA WIND PROJECT SA QUEZON
CONSTRUCTION WORKER, BINITBIT MATAPOS TUTUKAN NG BARIL ANG MAY-ARI NG BAHAY SA NAVOTAS!