NAIS ng grupo ng mga UV Express at bus driver na maghain ng petisyon para sa dagdag-pamasahe dulot ng pagtaas ng operational costs.
Ayon kay UV Express Alliance of the Philippines secretary general George Jalandoni, ito ang nabuong ideya ng grupo para sa paghahain ng petisyon matapos ang pakikipagpulong sa grupo ng mga tsuper ng jeep.
Dadgag pa ni Jalandoni, naniniwala ang grupo na may sapat silang dahilang para sa taas-pasahe, sa kabila ng desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong nakaraang Mayo para sa 50-centavo hike bawat kilometro.
Sinabi pa nito, na bukod sa pagtaas ng presyo ng gasolina, pasakit din sa mga operator at driver ng UV Express ang pagtaas ng singil sa toll at mataas na presyo ng spare parts.
Hindi pa nakapagdedesisyon ang grupo kung magkano ang itataas ng kanilang pamasahe na kanilang ihihirit. Inaasahan nila na makapagdedesisyon na sila sa mga susunod na linggo.
Samantala, pinag-aaralan na rin ng provincial at city buses ang fare hike petition, sa dahilan na katulad din ng hinaing ng grupo ng mga driver ng UV Express.
Magpupulong ang mga lider ng parehong grupo sa susunod na linggo upang isapinal ang kanilang desisyon.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW