Dismayado ang mga fans ni Alyssa Valdez kung bakit hindi siya isinama sa Team Rebisco. Ang naturang team ay kabilang sa 2 core na sasabak sa Asian tilts. Magaling at mahusay aniya si Valdez pero maliit sa taas na 5’9 at may edad na sa edad na 28.
Bakit di man lang daw binigyan ng consideration si Alyssa? Gayung franchise player ng Rebisco si Valdez. Naglalaro si ‘The Phenom’ sa Creamline na pagma-may-ari ng Rebisco.
Akala ng kompanya, mapipili si Valdez sa 25-women’s pool. Pero, hindi pala. Naiinsulto ang fans ni Valdez dahil binalewawala ng coaches ng national team ang kanilang idolo. Galit din sila sa Brazilian coach Souza de Brito na tila di yata kilala si Alyssa. Na ito ang nagpasigla at nagpasikat ng matamlay na estado ng volleyball sa bansa.
Hindi yata nito alam na nagdonate ang Rebisco sa PNVF para sa programa ng national team. Gayunman, wala pang pahayag dito si Alyssa tungkol sa di niya pagkakasama.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!