CLARK FREEPORT – Lumabas na negatibo ang ulat na nagpositibo sa COVID-19 ang Blackwater Elite player sa loob ng bubble.
Ito ay batay sa lumabas na resulta ng RT-PCR test sa mega quarantine facility sa Capas, Tarlac. Nag-negatibo rin ito sa antigen test na isinagawa sa Athlete’s Village.
Negatibo rin ang resulta sa buong team Tropang Giga na sumailalim sa antigen test kahapon.
Kaya naman, natuwa sa balitang ito ang PBA.
“It was another case of “false positive” as the first probable case – a referee – also had a similar experience,” ani ng liga.
“The PBA bubble remains intact and has not been breached.”
“Nevertheless, we urge all participants to be extra cautious and strictly follow the protocols set for them inside the bubble.”
Gayunman,nanatiling nasa quarantine ang player para sa precautionary measure.
Kaya naman, tuloy ang laban ng TNT (5-0) at NorthPort (1-4) mamaya sa ganap na 6:45 p.m. sa Smart 5G-powered AUF Sports Arena.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!