Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malalimang imbestigasyon sa lumabas na pekeng appointment paper hinggil sa bagong hepe ng Bureau of Immigration (BI), ayon sa Malacañang.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Martes na wala pang itinatalaga si Pangulong Marcos bilang BI commissioner.
“We have confirmed with the Presidential Management Staff (PMS)—which conducts complete staff work on such appointments—that no document for the said position has been issued,” saad ni Angeles.
Aniya, wala ring dokumento ang Office of the Executive Secretary at ang Office of the President hinggil sa pagtalaga umano ng bagong hepe ng BI.
“Signature ng ating Pangulo [sa dokumento] ang pinaghihinalaan nating na-forge, so medyo mabigat ang implications niyan,” babala ni Angeles sa press briefing. Binanggit ni Angeles na inatasan na ng Pangulo ang Department of Justice, National Bureau of Investigation at Philippine National Police na magsagawa ng imbestigasyon sa pekeng appointment paper na kumalat sa social media kamakalawa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA