SINAMPAHAN ng Caloocan City Police ng kaso ang isang babae sa isang viral video na tinangkang dukutin umano ng isang lalaki na sakay ng isang motorsiklo sa Brgy. 177, Caloocan City.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Ferdinand Del Rosario, kasong Article 154 of the Revised Penal Code or the Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances penalizes at Article 353 of the Revised Penal Code or Libel ang kanilang isinampa sa laban sa naturang babae sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
Aniya, nag-ugat itong pagsasampa nila ng kaso sa naturang babae matapos mapag-alaman nila sa kanilang isinagawang imbestigasyon na hindi totoo angtangkang pagkidnap sa kanya at gawa-gawa lamang umano ang kanyang mga naging pahayag.
Lumabas din sa kanilang imbestigasyon atbase na rin sa mga nakuha nilang mga bagong CCTV footages at kanilang mga saksi na magkakilala yung babae at lalaking sakay ng motorsiklo na sinasabi nito na nagtangkang kumidnap sa kanya.
May mga hawak din umano silang mga kuha ng CCTV na bago yung sinasabi ng biktima na tangkang pagkidnap sa kanya ng suspek ay makikita sila na magkaangkas sa motorsiklo at makikita rin ang pagbaba ng babae sa motor.
Sinabi ni Col. Del Rosario, dahil sa kanyang ginawa na nagbigay alarma at takot sa buong bansa partikular sa mga mamamayanng Caloocan kaya’t sinampahan nila ng kaso itong babae, maging yung lalaki nasakay ng motorsiklo.
Nabatid na noong September 4, 2022, dakong alas-5:45 ng umaga, nakuhanan ng CCTV ang tangka umanong pagdukot ng isang lalaki na sakay ng motorsiklo at nagpakilalang pulis sa isang babae sa isang kalye sa Brgy. 177, ng lungsod kung saan nag-viral ito sa social media matapos i-post ngbiktima.
Sa post pa ng babae, sinabi niya na pinipilit siya ng lalaking nagpakilalang pulis na sumakay sa motorsiklo nito para ihatid siya sa kanyang pupuntahan subalit, tumanggi umano siya at sinabi niya na magje-jeep na lamang siya.
Nang makarating sa kaalaman ng Caloocan police ang insidente ay kaagad nila itong inimbestigahan para matukoy ang pagkakilanlan ng suspek at para mabigyan na rin ng proteksyon ang biktima.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA