January 12, 2025

Faith in Action: A Christmas of Compassion and Giving

Nang sumapit ang panahon ng Pasko, ipinaalala nina Ms. Donita Tapay, D & F Foods, Ms. Felinor Villar, Mr. Mohammad AlShahrani, Ms. Katrina Saludes, at Denver Calalang ang tunay na diwa ng kapaskuhan.

Sa kanilang nakakainspire na pagtulong, nagbigay sila ng pagkain sa 420 katao na walang tirahan, ipinakita ang pagmamahal, pag-asa, at pagkakaisa.

Kasama ni Ms. Donita si Mr. Ramon Matabang, isang nirerespetong public servant na nagsilbi bilang Pangulo ng Civil Registry Office sa Pilipinas ng higit tatlong dekada. Nagbigay sila hindi lamang ng suporta kundi maging ng pag-asa sa mga nangangailangan.

Ang pagdalo ni Mr Matabang sa kaganapan ay may malaking kahalagahan dahil sa kanyang pakikipagtulungan kay Ms. Donita sa proyektong “Oplan Birthright.” Layunin ng programang ito na tulungan ang mga Pilipinong hindi nakarehistro o walang dokumento na nahihirapan sa pagkuha ng mahahalagang dokumento dahil sa kahirapan, iliterasya o kakulangan sa access sa resources.

Determinado sina Ms. Donita at Mr. Matabang na maghanap ng mga solusyong pangmatagalan upang maipatupad ang proyektong Oplan Birthright sa taong 2025.

 “Christmas is not just about giving gifts and spending time with our families. It’s about extending that love to those who are less fortunate and reminding everyone of God’s boundless love for all of us,” ayon kay Ms. Donita.

Ang kanyang sinabi ay isang makapangyarihang panawagan sa pagkilos, hinihimok ang lahat na pag-isipan ang kanilang mga responsibilidad bilang mga indibidwal na alagaan ang mga nangangailangan.

Ang walang kapagurang pagsisikap ni Ms. Donita para sa mga ngangailangan at ang kanyang mga proyekto kabilang ang 2025 “Kalinga” initiative at Oplan Birthright, ay binibigyang-diin sa kanyang pananaw na ” “faith transforming lives.” Ang mga pagsisikap na ito ay nagpapakita kung paano ang malasakit at walang kondisyong pagmamahal ay maaaring magbago ng mga komunidad at magdala ng pag-asa sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Ngayong bagong taon, dalhin natin ang mensaheng ito sa ating mga puso. Sa diwa ng Pasko at higit pa, nawa’y makahanap tayo ng mga paraan upang makagawa ng pagbabago, na ginagabayan ng malasakit at pananampalataya.