December 26, 2024

FACE-TO-FACE CLASSES SA 2021, ‘DI TULOY (Bagong klase ng COVID, mas matindi at delikado – Digong)

BINAWI na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang utos na payagan ang face-to-face classes.

Aniya, hindi niya nais malagay sa panganib ang buhay ng mga kabataan matapos madiskubre ang bagong bersyon ng COVID-19 sa United Kingdom.

“I’m calling back the order and I will not allow face-to-face classes for children until we are through with this,”  pahayag ni Duterte sa ginanap na pagpupulong kasama ang infectious disease experts.

Ipinatawag ni Duterte ang pagpupulong matapos lumabas ang balita kaugnay sa bagong bersyon ng SARS-CoV-2 na unang na-detect sa United Kingdom.

Una nang sinuspinde ng COVID-19 Inter-Agency task force ang lahat ng paparating na flights mula sa UK simula noong Disyembre 24 hanggang 31.

Noong Disyembre 14, boluntaryong inaprubahan ni Duterte ang trial ng face-to-face classes sa Enero sa mga eskwelahan na nasa lugar na mababa ang kaso ng COVID-19.

“We have to know the nature of the germ that we are confronting,” saad Duterte. “Wala pa tayong alam [We do not know anything]. I cannot take the risk.”