
NAGKAISA ang Metro Manila mayors na gawing optional na lang ang pagsusuot ng face shield.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos, nagkasundo ang mga Metro mayor na sa ilang lugar na lang gawing mandatory ang face shield.
Kasama sa mga kakailanganin pa ring magsuot ng face shield ay sa ospital, health center at mga pampublikong sasakyan.
“Napag-usapan namin sa face shield. Number 1, ito ‘yung isasagot ko sa IATF (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease) na tanggalin na po ang face shields, hindi na gawing mandatory except for critical places,” wika ni Abalos sa dzBB.
Ito’y kasunod ng nilabas na executive order ni Manila Mayor Isko Moreno na hindi na rin mandatory ang pagsusuot ng face shield sa kanilang lungsod. “Mananatiling mandatory pa rin ang paggamit ng face shield sa ating mga ospital. Effective po ito ngayong araw,” lahad ni Moreno nitong Lunes.
More Stories
3 SUSPEK SA PAGDUKOT AT PAGPATAY SA CHINESE BUSINESSMAN, ARESTADO NA
Panahon na Para sa Tunay na Partido, Hindi Personalidad
Ogie Diaz kay Camille Villar: ‘Tubig muna bago pabahay’