HINDI na kailangan gamitin ang face shield kung lalabas ng bahay, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People nitong Miyerkoles ng gabi.
“No more face shields outside,” ayon kay Duterte.
Ayon kay Pangulong Duterte, inaprubahan niya ang rekomendasyon ng mga eksperto na gamitin lang face shield sa mga lugar na kabilang sa 3Cs category: closed, crowded, and close-contact.
Magugunitang unang nilimitahan ng pangulo noong Hunyo ang paggamit ng face shield kapag ang isang tao ay nasa pagamutan subalit matapos ang ilang araw ay kaniya ito ng binawi at inatasan ang mga mamamayan na magsuot ng face shield kapag sila ay nasa loob at labas.
Paliwanag noon ng pangulo na natakot siya sa pagdami ng Delta variant ng COVID-19 kaya ipinag-utos niya muli ang paggamit ng face shields.
Tanging ang Pilipinas na lang ang gumagamit ng face shield sa buong mundo.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD