Kinontra ng Malacañang ang kontrobersiyal na paniniwala ni Atty. Larry Gadon kung saan sinabi ng abogado na hindi epektibo ang paggamit ng face mask.
“Hindi naman po doktor kasi si Larry Gadon. ‘Yan po ay pañero ko so let that be his personal opinion,” ayon kay Spokesperson Harry Roque.
Muling naging laman sa social media si Gadon matapos mag-trending ang kanyang larawan nang maispatan na hindi maayos na sinusuot ang kanyang face mask sa pampublikong lugar.
Sa makikitang larawan, nakasuot ng face shield si Gadon at naka-tape sa likod nito ang face mask.
Paliwanag nito na hindi siya naniniwala na napipigilan ng face mask ang pagkalat ng COVID-19.
“Kung talagang epektibo ang mask ay bakit mahigit 100,000 tao na ang nahawa sa COVID at mahigit 2,000 ang nasawi?” tanong ni Gadon.
Hindi rin nagustuhan ng Department of Health (DOH) ang tinuran ng abogado dahil sa maling impormasyon na ipinakakalat ni Gadon sapagkat hindi ito dapat ginagawang biro.
Bagamat hindi direktang pinuna ang ginawa ni Gadon, binigyang-diin ni Roque na mismong mga doktor at dalubhasa ang nagsabi na malaking tulong ang paggamit ng face mask at face shield para hindi matamaan ng COVID-19.
“Sasamahan pa ‘yan ng face shield, almost 90 plus percent po ang probability na mapo-protect tayo sa COVID,” paliwanag ni Roque.
“Sana po ay ‘wag na tayo mag-antay na tayo pa ay magiging susunod na biktima. Alam na po natin ‘yan sa buong mundo na epektibo po ang pagsusot ng face mask, paghuhugas ng kamay, at social distancing,” pagpaaptuloy pa niya.
More Stories
VIETNAMESE NA NAGPAPANGGAP NA BEAUTY DOCTOR KALABOSO
Nilinaw ng DOF ang pagtukoy sa bahagi ng National Tax Allotment para sa LGUs
REMMITANCE NG PDIC SA GOBYERNO SUMUSUPORTA SA NATIONAL DEVELOPMENT