December 23, 2024

FACE MASK PINATANGGAL NG PALASYO

INAPROBAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Emerging Infectious Diseases na luwagan ang  patakaran sa paggamit ng face mask.

Boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nakasaad ang bagong protocols sa nilagdaang Executive Order No. 3 ni Pangulong Marcos Jr. na “effective immediately” matapos itong mailathala sa Official Gazette.

“Naglabas tayo today ng EO No. 3 allowing the voluntary wearing of face masks in outdoor settings and reiterating the continued implementation of minimum public health standards during the state of public health emergency relating to the COVID-19 pandemic,” saad niya sa isang Palace briefing.

Hindi naman sakop ng EO ang indoor, private, o public stores, kabilang na ang public transportation na panlupa, karagatan o himpapawid kung saan hindi makokontrol ang physical distancing.

Ipinaliwanag ni Angeles na niluwagan ni Pangulong Marcos ang polisiya sa face mask dahil malapit na umanong marating ng Pilipinas ang tinatawag na “wall of immunity” laban sa coronavirus. Binanggit pa sa EO na maraming bansa ang nagluwag sa face mask policy pero hindi naman sumipa ang kaso ng COVID-19.