November 2, 2024

FACE MASK HINDI NA REQUIRED SA CEBU

HINDI na kailangan pang magsuot ng face mask sa open spaces at outdoor settings ang mga taga-probinsya ng Cebu.

Ito ay matapos ipalabas ni Governor Gwendloyn Garcia ang Executive Order No.16 o ang “Rationalizing the Wearing of Face Masks within Cebu“ na pinapayagan ang hindi pagsusuot ng mask sa mga open space.

“As a necessary step towards the new normal, there is a need to rationalize the requirement on wearing of masks,” ani Garcia.

Base sa kautusan, kinakailangan na lang magsuot ng face mask sa mga indoor at poorly ventilated areas.

“The wearing of face masks shall be required only in closed and/or air-conditioned spaces…The use of face masks shall be optional in well-ventilated and open spaces,” ayon sa utos.
Agad na ipinairal ang EO.

Samantala, pinayuhan ni Garcia ang publiko na magsuot pa rin ng mask sa matataong lugar.

Kailangan ding magsuot ng mask ang mga may sintomas ng Covid-19 gaya lagnat, ubo at sipon kung lalabas ng bahay.