GINAWA ng fashion accessory ng mga kababaihan sa bansang Cuba ang face mask sa quinceanara photoshoots na idinesenyo para sa kanilang ika-15 birthday party outfits.
Obligado sa Cuba na magsuot ng face mask sa pampublikong lugar upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus sa naturang isla. Noong Lunes nakapagtala ng zero cases ang kanilang bansa.
Dahil maluwag ang paghihigpit sa lockdown sa kanilang lugar, naging bahagi na ang pagsusuot ng face mask sa quinceanara celebration – isang seremonya na nagpapatunay na dalaga na ang isang babae na karaniwang ipinagdiriwang ng Latin America – na may photoshoots na kasama.
“I had to design my face masks to fit with my outfit and for all the colors to work,” ayon sa birthday girl na si Sofia Valenzuela habang nagpo-photoshoot sa isang beach suot ang floaty white dress.
“The face mask was really important because it marked an important stage of my life, these three months of pandemic,” dagdag pa nito.
Ayon naman sa birthday girl na si Thaidelen Gonzalez mas mainam na maging maingat.
“The photos will turn out well anyway so wearing a face mask and looking after oneself is not too onerous,” aniya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY