December 25, 2024

Face mask + face shield = 78% bawas sa tsansang mahawa ng COVID

SINABI ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na base sa pag-aaral ng mga dalubhasa, nababawasan ng 78% ang tsansang mahawaan tayo ng virus kapag may gamit na face mask at face shield.

“Dinagdagan po ang safety measures na kailangan nating gawin tulad ng pagsusuot ng face shield, maliban sa face mask, sa lugar ng trabaho at kapag sasakay sa mga pampublikong transportasyon. Hangad natin na makatutulong ito para mas bumaba pa ang bilang ng mga nahahawaan.  Layunin lamang nito na mas maproteksyunan tayo mula sa sakit,” ani Tiangco.

Ayon pa sa alakalde, 160 ang naitalang nagpositibo at 148 naman ang gumaling sa kanyang nasasakupan kahapon, Agosto 15.

Sa kabuuan ay 3,708 na ang nagpopositibo sa COVID sa Navotas.  1,391 dito ang active cases, 2,208 na ang gumagaling at 109 na ang namamatay.

Muling nagpaalala si Mayor Tiangco na patuloy na mag-ingat dahil Patuloy po tayong mag-ingat dahil nananatili ang ang panganib ng nakamamatay na virus.

Samantala, ilulunsad sa Agosto 20 ni Navotas City Congressman John Rey Tiangco ang webinar series na “Navo O-My Gulay” na ii-stream online sa official Facebook account ng mambabatas at naglalayong tiyakin ang sapat na pagkain para sa mga mamamayan sa gitna ng pandemya.

Magiging guest speaker ni Rep. Tiangco si Mary Ann Guerrero, hep eng Crop Research and Production Support Division ng Bureau of Pant Industry (BPI) at isang dalubhasa sa mushroom cultivation at production.

Si Guerrero ay nasa BPI sa loob ng 34 na taon ay nakamit ang kanyang degree na Master of Science in Agricultural Systems mula sa Asian Institute of Technology sa Thailand.

Ayon kay JRT, eksperto si Guerrero sa malunggay commercial production at sa mga gamit ng nasabing gulay at iba pang pananim gaya ng sibuyas.

Hinimok ni Rep. Tiangco ang kanyang mga constituents na gamitin ang mga matutunan sa webinar mula sa kay Guerrero at iba pang mga agriculture experts na tatalakayin ang napapanahong paksang “Food Sufficiency through Urban Agriculture.


“Lamang na lamang po ang may sariling tanim at may naaaning gulay sa panahon ng pandemya, kaya i-marka nyo na sa inyong mga kalendaryo o planners ang ating Navo-O-May-Gulay Webinar,” ani  Rep. Tiangco. Pagkakalooban ng binhi ng sar-saring gulay ang mga lalahok upang matulungan silang magsimula ng urban farming.