Umatras ang F2 Logistics Cargo Movers sa 2021 Premier Volleyball League Open Conference. Ito ang naging pasya ni team owner Efren Uy.
Tinawagan ni Uy si PVL President Ricky Palou para sa isang maselan na desisyon. Bagamat isa itong malungkot na balita, tinanggap ito ng pamunuan ng PVL.
Ayon sa ulat, na-exposed ang ilang players ng F2 sa mga COVID-19 positive individuals. Kung kaya, isasalang ang team sa vaccination. Isa pa, 4 sa kanilang players ang may injury.
Nagimulang magtraining ang team noong June 7 sa Valentino Spa sa San Jose, Batangas.
“Some of our athletes needed to get out of the bubble for their scheduled vaccination and our health team is very strict when it comes to isolation pre-returning to the bubble.”
“To add, some of us had COVID-19 exposures, thus contributing to the delay of the bubble and the completion of the team,” ayon sa statement ng F2.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2