November 24, 2024

F2 Logistics, lumundag na sa Premier Volleyball League

Lumundag na ang F2 Logistics sa Premier Volleyball League (PVL) mula sa Philippine SuperLiga (PSL). Kaugnay dito, nagreleased ng statement ang Cargo Movers na lalaro na sila sa dating rival league na inoorganisa ng Sports Vision.

Ang F2 ay naglaro ng limang seasons sa PSL. Noong Miyerkules, ang hastag#LetsMoveNow clamor ay nagtrend sa Twitter.

Na rito’y kinukumbinsi ng mga fans ang F2 na lumipat na sa PVL. Halos lahat ng volleybelles nito ay mula sa La Salle Lady Spikers at ang coach na si Ramil de Jesus.

“It is also because of you that we announce that the Premier Volleyball League will be the arena that we will continuously hone our skills and characters,”  saad ng F2 Logistics  sa statement.

Ang nasabing team ay panlima na mula sa Superliga na lumipat sa karibal na liga. Nauna nang lumundag ang PLDT, Cignal, Sta. Lucia at Chery Tiggo.

Inaasahan naman na ang pag-transfer ng Cargo Movers ay lilikha ng impact. Sa kadahilanang nasa PVL ang rival alumni nito na Ateneo.Si Alyssa Valdez sa ngayon ang mukha ng PVL na naglalaro sa Creamline CoolSmashers.

agpasalamat naman ang F2 sa PSL batay sa inilabas nitong statement sa kanilang social media account.