
Binuhat ni Eya Laure ang UST Lady Tigresses sa panalo kontra Ateneo Lady Eagles. Nilapa ng Uste ang Ateneo sa 4 set, 25-19, 25-21, 29-31, 33-31 sa UAAP women’s volleyball tourney.
Bumira ang 3rd year spiker na si Laure ng 31 points mula sa 31 attacks. Kasama na rito ang 1 ace at 14 excellent receptions.
“Syempre patatagan talaga ng isip at dibdib talaga. Sinabi ko lang din habang nagha-huddle kami sa gitna na walang duwag na tigre,” ani Laure.
Nag-ambag naman si Imee Hernandez ng 14 markers mula sa 13 spikes. Gayundin ng 1 block. Nagdagdag naman si KC Galdones ang 12 points. Habang si Ypril Tapia ay may produksyon na 11 points. Sa ngayon, nasa no. 2 seed ang UST na may 5-2 record sa 7 matches.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo