Muling nagpaalala at nanawagan ang Commission on Elections sa publiko na samantalahin na ang pagkakataon, lalo na sa mga kwalipikadong botante habang may natitira pang araw para magpatala sa voters registration.
Kasabay narin ng muling pagbubukas ng voters registration na magtatagal na lang ng hanggang sa huling araw nalang ng January 2023.
Itoy base narin kay Comelec Chairman George Garcia, sinabi pa niya na malabo nang palawigin pa ang voters registration dahil hindi naman din daw ito tinatalakay sa usapin ng mga delebe-rasyon ng Pol Body.
Samantala kaugnay parin nito, mula noong buwan ng December 12, at hanggang a-30 2022 umabot na sa 60,492 ang bilang ng mga bagong nag pa rehistro para sa SK, na ang idad ay 15 to 17 years old.
Bukod pa yan sa mga bagong nagpatala na ang idad naman ay 18 hanggang 30 yrs old, na umabot sa 101,944 ang bilang.
Habang ang bilang naman ng regular registration na aplikante, na ang idad 21 pataas ay umabot naman sa bilang na 25,694
Idinagdag pa ng comelec na inaasahan nila naabot sa bilang na 1.5 million hanggang sa 2 million ang new voters, para naman sa pagtatapos registration deadline o period na itinakda ng Comelec.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR