December 25, 2024

Ex-VP Binay sa Anti-Terrorism Law: Nakatatakot!

NAGHAIN ng petisyon ang Concerned Lawyers For Civil Liberties, sa pangunguna ni dating Vice President Jejomar Binay ngayong araw na humahamon sa legalidad ng Anti-Terrorism Act of 2020 sa Korte Suprema. (kuha ni NORMAN ARAGA)

PINANGUNAHAN ni dating Vice President Jejomar Binay ang ‘caravan protest’ ng grupo ng mga abogado laban sa Anti-Terrorism Law.

Nabanggit din ng dating VP na peligroso ang ilang probisyon ng naturang batas.

“I’m opposing the Anti-Terror Bill. I feel it’s unconstitutional,” ayon kay Binay.

“Nakakatakot naman ‘yun eh. Basta-basta ka na lang icha-charge na ikaw ay terorista,” paliwanag niya.

Bahagi si Binay ng koalisyon ng human rights lawer na Concerned Lawyers for Civil Liberties (CLC) na nagpahayag ng mariing na pagtutol sa naturang batas.

Isang dosena ng convoy ng mga sasakyan ang umalis sa University of the Philippines sa Quezon City kaninang 9:00 ng umaga para magtungo sa Korte Suprema upang maghain ng petisyon.

Hiniling din ng mga petitioner sa SC na maglabas ng temporary restraining order (TRO) para mapigilan ang pagpapatuoad ng batas habang nakabinbin ang mga petisyon hinggil dito.

Kabilang sa mga kinukuwestiyon ng CLCL ang depinisyon ng “designated person” sa ilalim ng batas na umano’y nagdudulot ng “chilling effect” at nagbibigay sa mga law enforcer ng “unbridled discretion” sa pagpapatupad ng probisyon.

Gayundin, ang kapangyarihan ng Anti-Terrorism Council (ATC) na pahintulutan ang mga law enforcer o militar na isailalim sa kanilang kustodiya ang mga pinaghihinalaang terorista.

“The authority issued by the ATC to arrest suspected terrorists is not a substitute to the warrant of arrest under the Constitution. It short-circuits the right to due process under the Bill of Rights and must be impugned as a repugnant violation of fundamental rights,” ayon sa CLCL.

Ayon sa CLCL, ang warrantless arrest ay pinapayagan sa ilang kondisyon hindi base sa suspetsa o hinala lamang at ang 24 oras na detensiyon sa inarestong suspek ay labag sa karapatan sa due process.