January 26, 2025

EX-VP BINAY PASOK SA LACSON-SOTTO SENETORIAL TICKET

Pasok si dating Vice President Jejomar Binay sa senatorial lineup ng Lacson-Sotto tandem sa 2022 elections, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

Kapag naihalal ang vice president sa Senado, makakasama niya ang nakatatandang anak na babae na si Sen. Nancy Binay sa chamber. Ito rin ang ikalawang pagkakataon na ang magulang at anak ay nagsilibi nang magkasabay sa Senado, matapos kina sa dating mga senador na sina Loi Ejercito at Jinggoy Estrada.

“Yes na yes!” saad ni Sotto nang kumpirmahin kung kasama ba si Binay sa kanilang ticket.

Tatakbo ang Senate president bilang vice president kung saan makakatambal niya si Lacson na dalawang beses nang tumatakbo sa pagka-pangulo.

Kasama rin nila sa pagpupulong si dating Speaker Pantaleon Alvarez, tserman ng Reporma party, na unang sinabi ni Sotto na kanilang planong makipagtulungan.

Wala pa namang pormal na anunsiyo si Binay, na nagsilbing vice president noong 2010 hanggang 2016, sa kanyang planong tumakbong senador sa 2022 elections.

Tumakbo siyang presidente noong 2016 sa ilalim ng United Nationalist Alliance party pero pang-apat lamang siya sa puwesto. Noong 2019, tumakbo rin siyang kongresista ng unang distrito ng Makati pero tinalo ni dating Makati City Mayor Kid Peña.

Narito ang listahan ng senatorial ticket ng tambalang Lacson-Sotto:

Former Vice President Jejomar Binay

  • Former Sen. JV Ejercito
  • Sorsogon Gov. Francis Escudero
  • Sen. Sherwin Gatchalian
  • Sen. Richard Gordon
  • DICT Sec. Gringo Honasan
  • Former Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal
  • Deputy Speaker Loren Legarda
  • Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez
  • Sen. Joel Villanueva

Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri

Ang Lacson-Sotto ticket ay unang tandem na nagkumpirma para sa 2022 elections. Nakatakda ang official launch nila sa Agosto 4.