November 23, 2024

EX-VP BINAY: KOMEDYANTE NA PALA SI DUQUE? (Sa pagsasabing proactive ang mga hakbang ng DOH vs COVID-19)


TINAWAG na komedyante ni dating Vice President Jejomar “Jojo” Binay si Health Secretary Francisco Duque matapos sabihin ng kalihin na proactive naman ang ginagawang hakbang ng Department of Health (DOH) pagdating sa mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19.


“In a recent interview, the Health Secretary said that contrary to claims that the DOH has been “reactive” in dealing with the Delta variant, his department has been ‘pro-active,’” saad niya sa isang pahayag.

“Komedyante na pala si Health Secretary.”

Ayon kay Binay, kung totoo ang pinagsasabi ni Duque, dapat ay makakuha ang DOH ng P100 million na kinakailangan para mapalawak ang capabilities ng Genome Center, na siyang tanging pasilidad sa bansa na nakakapagsagawa ng genome sequencing para matukoy ang variant ng COVID-19 na nakuha ng isang indibidwal.

Pero sa kabila ng mga sinasabi ni Duque eh nananatili pa rin naman aniyang “underfunded” ang DOH, kahit pa malaki ang papel na ginagampanan ng kagawaran pagdating sa laban kontra COVID-19 pandemic.

Noong Hulyo 29, pinuna rin ni Binay ang DOH dahil sa pagsalungat naman sa proposal ng isang independent research group na magpatupad na ng circuit-breaker lockdown dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.