Binawian ng buhay habang ginagamot sa Lobo District Hospital ang dating bise alkalde at tumatayo ngayon bilang Sangguniang Bayan Secretary ng bayan ng Lobo matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang gun man bandang 8:00 ng gabi nuon araw ng Biyernes sa Sitio Cupang, Brgy.Tayuman ng nasabing bayan.
Kinilala ang biktima na si Romeo Sulit, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Malabrigo ng nabanggit na bayan.
Base sa salaysay ng mga testigo kasalukoyang nagsasalita hawak ang isang mikropono ng biktima sa dinaluhang pagtitipon ng bigla na lamang lapitan ng hindi kilalang suspek at binaril ng sunod-sunod sa ulo at katawan ang biktima gamit ang caliber 40 na baril at mabilis na tumakas ang suspek papalayo sa lugar ng insidente bago sumakay sa isang naghihintay na motorsiklo na meron kasabay na isang Mitsubishi Adventure na mga hindi naplakahan ayon sa mga nakakitang testigo.
Naisugod pa sa nabanggit na pagamotan ang biktima subalit namatay din kalaunan habang nilalapatan ng lunas.
Ayon naman sa ilan kasama ng biktima sa Sanggunian wala naman itong nabanggit na problema o kaaway subalit napansin nilang kakaiba ang ikinikilos nito at tila balisa bago ang nangyaring insidente ng pamamaril.
Nagsasagawa na ngayon ng follow up investigation at dragnet operation ang mga otoridad ng Batangas PNP para malaman ang naging motibo at pagkatao ng mga nasa likod ng pamamaslang sa biktima. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA