MANILA, PHILIPPINES
Lalahok na rin sa politika ang kakaretiro pa lang na Philippine National Police (PNP) chief na si Gen. Guillermo Eleazar.
Tatakbo siya sa ilalim ng Partido Reporma nina Sen. Panfilo Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
Inaasahang hahalili si Eleazar kay Paolo Capino na hindi na umano tatakbo sa senatorial race.
“Yes, I confirm that he will run under Partido Reporma to substitute for Paolo Capino who has announced his intention to withdraw from the senatorial race yesterday,” wika ni Lacson.
Matatandaang kahapon lamang bumaba sa puwesto si Eleazar bilang pinuno ng pambansang pulisya, kung saan ang pumalit sa kaniya ay si newly installed PNP Chief Dinardo Carlos.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA