HINIRANG ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Philippine Airlines (PAL) president Jaime Bautista bilang secretary ng Department of Transportation (DOTr) sa kanyang administrasyon, ayon kay incoming executive secretary Vic Rodriguez.
Si Bautista ay naging president ng PAL at chief operating officer mula 2004 hanggang 2019.
Bilang protégé ng business tycoon na si Lucio Tan, nagsilbi siya sa iba’t ibang executive capacities sa Lucio Tan group sa loob ng 39 na taon, kasama na ang 24 taon sa Philippine Airlines at mga subsidiary nito.
Naging independent director din siya sa Belle Corporation, Premium Leisure Corporation at Nickel Asia Corporation.
Dati rin siyang naging executive at director ng Macroasia Corporation, Macroasia Services Corporation, Macroasia Airport Services Corporation, Macroasia Properties Development Corporation at ETON Properties Philippines Inc.
Papalitan ni Bautista si DOTr Secretary Arthur Tugade.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?