PUMANAW na ang dating congressman at Olongapo mayor na si James “Bong” Gordon Jr.
Ito ang kinumpirma ng kanyang kapatid na si Senator Richard Gordon sa plenary session ng Senado.
“He was a long-serving mayor of Olongapo, a stalwart volunteer during the Pinatubo eruption,” ayon sa senador.
Naging alkalde ng Olongapo City si Gordon mula 2004 hanggang 2013. Nagsilbi rin siya bilang first district representatives ng Zambales mula 1995 hanggang 2004.
Sa naturang session, nagpaabot ng taus-pusong pakikiramay sina Senate President Vicente Sotto III at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa pamilya Gordon para sa pagpanaw ng dating mambabatas.
“We would just like to give our deepest and sincerest condolences to the family of Senator Richard Gordon for the passing of his dear brother,” ani ni Zubiri.
“He was a very, very good friend to us, many of us, he was a classmate of us in Congress,” dagdag pa niya.
More Stories
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Construction worker, tiklo sa P7.8 milyon shabu sa Caloocan
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas tree… NAVOTAS, BINUKSAN ANG BAZAAR, INILUNSAD ANG LIBRENG WI-FI