PINANGALANAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran bilang bagong pinuno ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa isang text message sa mga reporter ngayong Lunes ng gabi.
Ayon kay Lorenzana, iniupo ng Presidente si Gierran kasabay ng pakikipagpulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force.
Kung maalala si Gierran ay nagsilbi bilang NBI chief nang italaga noong 2016. Nagretiro siya noong Pebrero at pinalitan ni Eric Distor bilang officer-in-charge sa NBI.
Papalitan ni Gierran si Ricardo Morales, na nagbitiw noong nakaraang linggo lamang bilang PhilHealth president at CEO.
Nagbitiw si Morales, na naiulat na patuloy na ginagamot dahil sa lymphoma, sa kanyang puwesto matapos hilingin ni Duterte na bumaba na ito sa puwesto dahil sa kanyang kondisyon sa kalusugan.
Ang pagbibitiw ni Morales ay kasabay ng imbestigasyon kaugnay umano sa sistematikong korapsyon sa state health insurance firm.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY