IPINAWALANGSALA kanina ng Sandiganbayan si dating Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro sa kasong graft kaugnay sa pagbili ng tatlong fire trucks at isang aerial ladder truck na nagkakahalaga ng P97.5 milyon noong 2008.
Nabatid na sa isang desisyon ng Sandiganbayan Second Division, si Pedro at ang kanyang kapwa akusado na Angel Palmiery of Palmer-Asia Inc, ay napawalang-sala para sa “failure of the prosecution to prove her guilt beyond reasonable doubt” sa pagbili ng multimillion fire trucks.
The antigraft court’s second division, in a decision on Friday, acquitted San Pedro, and his co-accused Angel Palmiery of Palmer-Asia Inc., citing the prosecution’s failure to prove that there was conspiracy and malicious intent committed by San Pedro when he approved the disbursement of public funds for the purchase of the multimillion fire trucks.
Nauna rito si Pedro ay inakusahan base sa testinomya ni Abel Sumabalat, na siyang internal auditor at bids, at awards committee secretary ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa noong panahon ni San Pedro bilang alkalde.
Ngunit ipinunto ng korte na ang mga akusasyon ni Sumabat ay pinabulaanan ng dokumentaryong ebidensiya at ang isang saksi ay “ang paratang lamang ay hindi ebidensya at hindi katumbas ng pagpapatunay.”
Ang desisyon ay isinulat ni Associate Justice Edgardo Caldona, na sinang-ayunan nina Associate Justices Arthur Malabaguio at Oscar Herrera, ang division chair.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
NON-COMPLIANT ONLINE STORES IPA-‘PADLOCK’ NG BIR
PNP HANDANG TUMULONG SA POSIBLENG PAG-ARESTO NG INTERPOL KAY DIGONG