
Hindi pa man nakakababa nang tuluyan sa eroplano, hinuli agad ng NBI ang dating konsehal ng Maynila na si Roderick Valbuena, matapos ang pagdating niya mula Las Vegas nitong Mayo 20.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), may nakabinbing kasong kidnap-for-ransom si Valbuena sa Makati City RTC Branch 61. Isa siya sa limang akusado sa krimeng kinasangkutan ng ilang armadong lalaki na diumano’y nangidnap ng negosyante kapalit ng milyon-milyong pisong ransom!
Pagkalapag sa NAIA Terminal 1, agad na rumesbak ang mga ahente ng NBI-International Airport Investigation Division (IAID) at sinunggaban si Valbuena. Hindi na siya pinakawalan—derecho sa kulungan.
Ayon sa NBI, si Valbuena ay kasalukuyang nakakulong sa kanilang detention facility sa Muntinlupa City, habang hinihintay ang susunod na hearing sa korte.
More Stories
3 Suspek, Arestado sa Buy-Bust Operation sa Dasmariñas City
BuCor Chief Catapang Isinusulong ang Eco-Tourism sa mga Piitan
MEKANIKONG ARMADO, ARESTADO SA KALYE SA MALABON