
Nasawi ang isang 51-anyos na negosyante na dating barangay kagawad matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Hindi umabot ng buhay sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Ricky Legaspi, 51 at residente ng Adante St. Brgy. Tañong.
Lumabas sa inisyal na imbestigayon ng pulisya, dakong alas-2:20 ng hapon, nagtungo ang biktima sa Estrella St., Brgy. Tañong at nang iparada na niya ang kanyang motorsiklo ay pinagbabaril ito ng hindi kilalang gunman.
Matapos ang insidente, sumakay ang gunman sa gateway motorsiklo na minamaneho ng kanyang hindi rin kilalang kasabwat bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ang biktima sa naturang pagamutan subalit, idineklara itong dead on arrival. Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente.
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC