IHINARAP ng National Bureau of Investigation (NBI) sa media ang dating person deprived of liberty (PDL) at corrections officer na sangkot sa malagim na kidnap-for-ransom at pagpatay sa mag-ina sa Baesa, Quezon City na nangyari noong Hunyo.
Ayon sa NBI Homicide Division, binaril nina ex-PDL Raymond David Reyes at Correction Officer I Pio Jonathan Eulalio si Christian Razon Ortega, 40, noong June 10 na naging sanhi ng kamatayan ng huli.
Pagkatapos ay dinukot at pinatay nila ang ina ni Ortega na si Gloria, 70-anyos.
Natagpuan ang bangkay ni Gloria sa maputik na bangin na katabi ng dump site sa Barangay Sta. Cruz, Bay, Laguna.
Naaresto ang mga suspek sa magkahiwalay na araw noong Hulyo 11 at 12, at positibong kinilala ng isang empleyado ng mga biktima na si Vergel Olanda, bilang kanilang kasabwat.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, lumalabas sa imbestigasyon na planado ng grupo ang krimen, na pakana ni Olanda, na nakilala nina Eulalio at Reyes sa Quezon City Jail.
Sa naturang ulat, lulan ang mga biktima ng puting van habang binabagtas ang kahabaan ng L.R Pascual Street sa Barangay Baesa ng madaling araw noong Hunyo 19 nang harangin sila ng suspek na sakay ng itim na sports utility vehicle, sa harap ng Lucas R. Pascual Memorial Elementary School.
Sinubukan ni Christian na magmaneobra para makatakas subalik binaril sila ng mga suspek na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Tinangay naman ng mga salarin ang pera ni Gloria na nagkakahalaga ng P100,000 at dinukot ito.
Agad na tumakas ang mga suspek at bumiyahe sa Pampanga, Tagaytay at Laguna.
Noong hapong iyon, humingi ang mga suspek ng P5 milyon para sa ransom money, pero sa huli ay pinatay nito si Gloria.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA