Magkaroroon ng role si ex-British heavyweight boxing champion Larry Olubawimo sa new Marvel film. Ang tinaguriang “War Machine” ay gaganap sa unspecified role sa Venom 2: “Let There be Carnage”.
Ayon sa kampo nito, tapos na mag-shooting ng kanyang role si Larry. Ang pelikula ay ipalalabas sa bandang 3rd quarter ng taon.
“I’m excited but I’m still not done with boxing. I am going to try and do both acting and boxing to the best of my ability,” aniya sa WBN.
Hindi na aktibo sa boxing si Olubamimo sapol noong 2015.
Ito’y mula nang matalo siya kay ex-world title challenger Hughie Fury. Ang nasabing boxer ay pinsan ni heavyweight boxing champ Tyson Fury.
Ang Venom 2 ay sequel ng 2018 hit blockbuster na Venom. Naa target gawin premiere sa September sa UK. Ang bida rito ay ang aktor na si Tom Hardy sa papel na Eddie Brock.
Kamakailan lamang, nagkaroon ng part ang one-time heavyweight sa BBC Drama na ‘The Capture”. Lumabas din ang boxer-turned-actor sa Almost Never.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!