September 19, 2024

EX-EDITOR NG REMATE KUMASA SA HOLDAP, PATAY

Patay ang dating editor ng pahayagang Remate habang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang live-in partner  makaraang manlaban at barilin ng isang holdaper sa loob ng kanilang Salon and Spa sa Quezon City, nitong Martes ng hapon.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Gwenn Salamida, dating editor at operations manager ng Remate at residente ng Unit 4414 South, Zinnia Condo. sa Brgy. Katipunan, Quezon City.

Kasalukuyan din siyang nagtatrabaho ngayon bilang advertising manager sa isang pang tabloid newspaper na Saksi Ngayon.

Nasa kritikal na kondisyon naman sa Quezon City General Hospital ang kanyang kinakasama na si Oliver Perona na nabaril din.

Naganap ang isindente sa GOTT Salon sa Kainigin Road sa Barangay Apolonio Samson dakong alas-3:35 ng hapon, nang pasukin nang biglang pumasok ang isang lalaki sa naturang salon na pagmamay-ari ni Salamida at pinagbabaril sila habang abalang naglilnis.

Hindi naman naplakahan ng mga saksi ang plaka ng motorsiklo ng salarin na ginamit sa pagtakas.

Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa naganap na krimen.