Pumanaw si dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon “Dinky” Soliman ngayong Linggo sa edad na 68.
“We pray for the eternal repose of her soul,” ayon sa asawa ni Soliman na si public interest lawyer Hector Soliman. “We will share details of the wake later, and ask that the family be given some time and privacy for grieving.”
Binawian ng buhay si Soliman dakong alas-7:32 ng umaga dahil sa komplikasyon sa bato at heart failure.
Tinamaan si Soliman ng COVID-19 noong Agosto kasama si Hector at ang ilang miyembro ng kanyang pamilya, pero gumaling din sa sakit.
Huling nasilayan si Soliman sa burol ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong Hunyo, at kabilang sa nagbigay-pugay sa kanyang dating boss.
Nagsilbi si Soliman bilang DSWD secretary ni Noynoy, at tumulong malunsad ang Pantawid Pamilyan Pilipino Program (4Ps).
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA