Pumanaw na si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa edad sa 83 nitong April 18.
Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), binawian ng buhay si del Rosario habang bumibyahe patungo sa San Francisco, United States.
“I extend my deepest condolences to the loved ones of Secretary Albert F. Del Rosario. He was a consummate diplomat and an inspiring leader who led the DFA with integrity and unwavering commitment to public service. You will be missed, Mr. Secretary,” ayon kay DFA Secretary Enrique Manalo.
Nagsilbi si del Rosario bilang DFA Secretary mula February 2011 hanggang March 2016 noong administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Itinuring si Del Rosario ng DFA bilang isang “staunch advocate of protecting and advancing national security and promoting the rights and welfare of Filipinos both in the Philippines and abroad.”
Malaki ang naging papel ni del Rosario sa panalo ng Pilipinas sa ruling sa kasong iniharap laban sa Beijing sa Permanent Court of Arbitration (PCA) tungkol sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Noong 2013, pinangunahan ni del Rosario ang paghahain ng reklamo laban sa China sa Hague-based court at kinuwestyon ang ligalidad ng nine-dash line sa South China Sea (SCS).
Dahil sa kalusugan, nagbitiw si del Rosario bilang DFA secretary pero ipinagpatuloy pa rin nya ang laban sa karapatan at soberenya ng bansa sa West Philippine Sea.
Si Del Rosario ay naglingkod bilang Philippine Ambassador to the United States mula 2001 hanggang 2006.
Agad naman nagpaabot ng pakikiramay sina Pangulong Bongbong Marcos Jr. at Senadora Imee Marcos sa mga naulila ng kalihim. Maging si Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko ay nakikidalamhati sa pamilya ni del Rosario dahil sa ambag nito sa Philippine-Japan relations.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO