Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang bagong chairperson ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).
Ito ang kinumpirma ng Department of National Defense (DND) ngayong araw.
Nanumpa sa tungkulin si Lorenza sa Pangulo ngayong araw.
Papalitan niya si Aristotle Batuhan, na nagslibi bilang BCDA officer-in-charge matapos mag-resign si Vince Dizon noong 2021.
“The DND is confident that Secretary Lorenzana will steer the BCDA towards a stronger collaboration not only with the (Armed Forces of the Philippines), but with all its stakeholders for the development of vibrant economic hubs and communities in different parts of the country,” mababasa sa statement ng DND.
Samantala, pasok din si Lala Sotto-Antonio sa Marcos administration bilang bagong chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Kabilang din siya sa mga appointees na nanumpa kay Marcos sa Malacañang ngayong araw.
Si Sotto-Anotnio ay anak ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III. “Thanking the President for the trust and confidence. I believe she will do well given her background. Besides, she has two excellent women former chairpersons to emulate, Sen Grace Poe and Congresswoman Rachel Arenas,” ayon sa kanyang ama.
Ang dating konsehal ng Quezon City ay tumakbo bilang second nominee ng AGAP Partylist noong Mayo 2022.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY