December 25, 2024

Ex-COMELEC chairperson nahaharap sa kasong bribery, money laundering sa US

PINARATANGAN si dating Commission on Eelections o Comelec Chairman Andres Bautista ng US federal grand jury sa Florida dahil sa umano’y pagtanggap ng suhol mula sa isang kumpanya na nagbigay ng voting machines noong 2016 election sa bansa.

Ayon sa pahayag ng Department of Justice, nahaharap si Bautista ng isang bilang ng conspiracy to commit money laundering at tatlong bilang ng iternational laundering ng monetary intruments.

Kasama rin sa pinaratangan ang tatlong executives ng voting machine company sa kanilang naging papel sa umano’y suhulan at money laundering upang mapanatili at makuha ang negosyo na may kaugnayan sa eleksion sa bansa noong 2016.

Hindi tinukoy ng DOJ ang kumpanya subalit ang isa sa mga pinaratangan na executive ay si Roger Alejandro Pinate Martinez, 49, isang Venezuelan citizen at Florida resident na co-founder ng Smartmatic.

Batay sa alegasyon, nagbigay ng nasa $1 million na suhol kay Bautista sina Pinate, Jose Miguel Vazquez at iba pa sa pagitan ng taong 2015 at 2018.

Matatandaan na ibinigay ng COMELEC sa Smartmartic ang $199 million contract para sa pagsuplay ng 94,000 voting machines sa bansa para sa 2016 presidential election na pinanalunan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Itinanggi ni Bautista ang nasabing mga alegasyon at iginiit na hindi siya humingi o tumanggap ng anomang suhol mula sa Smartmatic o iba pang kumpanya.