Muling tutuntong sa boxing ring si Evander Holyfield upang harapin si Vitor Belfort. Uupak siya sa mismong araw ng kanyang ika-59 kaarawan.
Ito’y matapos magback-out si Golden Boy Oscar De La Hoya dahil sa COVID-19.
Gayunman, ang venue ng laban ay inilipat sa Florida mula sa Staples Center sa Los Angeles. Tinabla kasi ng venue ang nakatakdang laban ng dalawa.
Hindi nakalaban si Holyfield sapol noong 2011. Ngunit, lumagda upang labanan si Kevin McBride nitong kaagahan ng taon. Posibe ring muli silang magtuos ng kanyang old nemesis na si Mike ‘Iron Tyson”.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na