November 16, 2024

European Union, Nakiisa sa Pagbati kay Dating Senador Leila de Lima

Binati ni EU Ambassador to the Philippines Luc Véron si Dating Senator Leila de Lima kasunod nang pagpapawalang-sala sa kanya ng hukuman sa kinakaharap na kaso ng bawal na droga.

Ayon kay Ambassador Véron, mahalagang hakbang ito at nais aniyang makamit ni De Lima ang kalayaan sa lalong madaling panahon.

Nakikiisa aniya siya sa kagalakan ng Dating Senador, ang anim na taon aniyang pagkapiit ay napakahaba, at dumating na nga ang araw nà ito.

“First, I congratulate Senator de Lima on her acquittal in this case. This is a very important step and I wish her to recover her liberty very soon. I imagine her satisfaction today and share her joy: 6 years is a very long time and the day has come,” sabi ng Ambassador.

Binanggit din ni Véron na ang EU ay matagal kapartner ng sektor ng katanungan sa Pilipinas at iginagalang aniya ang independence ng hudikatura

“… the European Union is a long- standing partner of the justice sector in the Philippines and we respect the independence of the judiciary,” sabi ni Véron.

Nalaman din sa Ambassador na minomonitor ng EU ang nagaganap na paglilitis laban kay De Lima at kamakailan lamant ay dinalaw ng mga miyémbro ng

European Parliament at ni EU Special Representative for Human Rights Eamon Gilmore sa kulungan si  De Lima.

“The EU has been following closely the proceedings against the former Senator. Only recently, Members of the European Parliament and the EU Special Representative for Human Rights Eamon Gilmore have visited Senator De Lima in her detention centre,” sabi ni Véron.

Sa huli, umaasa aniya ang EU sa mabilisang pagresolba sa natitirang kaso laban sa Dating Senador at sa kanyang mosyon na makapagpiyansa habang sinisigurado ang mataas na pamantayan sa batas at karapatang pantao.

“…we hope for a quick resolution of the remaining case against the former Senator, while ensuring the highest standards of rule of law and human rights. We are looking forward to a quick decision on Attorney De Lima’s motion for bail,” pagtatapos ng EU envoy.