Kapwa umusad sina Eumir Marcial sa boxing finals match sa 31st SEA Games. Dinaig ng Tokyo Olympics bronze medalist si Peerrapat Yeasungnoen ng Thailand. Ito’y sa pamamagitan ng RSC (referee stopped contest).
Kaya, pasok na ang pro-boxer sa gold-medal bout sa men’s middleweight (75kg) division.
Makakasagupa ng 26-anyos na boxer si Delio Anzaqeci Mouzinho ng Timor Leste sa finals sa Linggo.
Samantala, tinalo naman ni Roger Ladon si Thanarat Saengphet ng Thailand. Nakuha nito ang unanimous decision, 4-1 sa men’s 52kg category. Kung kaya, rekta na rin si Ladon sa gold medal match.
Dahil dito, nakatitiyak na bansa na makapag-aambag ang dalawa ng gold medals.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na