Nilikida ni Eumir Felix Marcial si Younes Nemouchi ng Algeria sa Round of 16 ng 2020 Olympic Men’s middleweight bout. Nasikwat ni Marcial ang panalo via referee’s stoppage. Dahil sa panalo, umusad si Marcial sa quarterfinal.
“Okay naman at medyo comfortable ako. Mas pagbubutihan ko pa sa susunod na laban,” ani Marcial sa interview ni Paolo del Rosaio ng with One Sports.
Pinagbuti ng 25-anyos na boxer ang trabaho. Katunayan, isinalya nito ang kalaban sa corner sa unang 5 minutes ng match. Nagawang ikonekta ni Felix ang kanyang combinations. Gayundin ang switching ng attack at counter-punching.
Nagawang tamaan si Nemouchi ni Marcial sa right eye ng vicious left hook. Nagkaroon din ng untukan sa dying second ng first round.
“First, na knockdown ko siya pero may accident na nangyari. Nakita ng doktor na malaki yung cut niya kaya tinigil,” ani Marcial.
Gusto pa sana ni Felix na patagalin ang laban. Sa gayun ay maka-gain ng milage sa kanyang paa.
“Yun yung plan ko kanina kasi nung na-cut siya, medyo nag-relax ako ng konte. Gusto ko pa sana paabutin ng second round.”
Susunod na makahaharap ng Zamboanga-native si Arman Darchinyan ng Armenia sa quarterinal. Idaraos ito sa Linggo, August 1 sa ganap na 11:36 A.M. Natalo na noon ni Marcial si Darchinyan noong nagharap sila noong 2018.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY