Hindi pinagpawisan si Eumir Felix Marcial sa kanyang middleweight bout. Kung kaya, otomatikong panalo siya sa quarterinals ng 2021 Asian Elite Men’s and Women’s Boxing Championships.
Idinaos ang laban sa Grand Ballroom sa Le Meridien Hotel in Dubai, UAE.
Ang kalaban ni Marcial na si Otgonbaatar Byamba-Erdene ng Mongolia ay umatras o forfeited ang laban. Na nagresulta walkover victory sa Filipino boxer.
Tinalo ni Byamba-Erdene si Ridha Talib Jabbar ng Iraq noong Martes. Kaya, umabanse ito sa quarterfinals.
Dahil dito, sigurado na kung sakali ang bronze medal kay Marcial. haharap siya kay Saidjamshid Jafarov ng Uzbekistan.
Samantala, bigo naman si lightweight Jere Samuel Dela Cruz sa kanyang kampanya. Natalo siya via unanimous decision loss kay Varinder Singh ng India, 27-30×5, in the quarterfinals.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2