Nailigtas ang isang estudyante ng University of Sto. Tomas o UST na nagtangkang tumalon sa isang gusali sa Extremadura St., Sampalox, Maynila.
Ayon kay MPD District Director PBGen André Dizon, alas-2:04 ng hapon kanina nakita si Jomell Prinz Alba, 22-anyos, BS ComSci Student ng UST, na nasa ika-24 na palapag ng Blessed Pier Giorgio Frassati Building sa España Blvd cor Extramadura St., na kanyang tinutuluyan.
Tinangka umanong magpakamatay ng estudyante kaya agad na inireport sa Manila police at Bureau of Fire Protection o BFP upang ma-rescue.
Agad aniyang rumesponde sa.lugar sina PCOL JULIUS AÑONUEVO FC, DMFB, PLTCOL ROBERTO A MUPAS SC PS14, PCPT SALAZAR PCP UBA, BFP PSSUPT CRISITINE CULA at kaagad na kinordon ang buong area.
Hinatak umano ni SINSP CHARLES P BACOCO C, SRF ang biktima na nagresulta sa matagumpay na pagkakaligtas sa biktima.
Mabilis na isinugod ang biktima sa UST Clinic kung saan siya binibigyan ng medical attention, isinasailalim sa evaluation at treatment ni Dra. Sheryl Dionisio at iba pa.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA