KUMAKALAT ngayon sa social media ang ginawang pagpapakamatay ng isang estudyante sa South Cotabato matapos hindi umanong tanggapin ng guro ang module bunsod ng late submission.
Subalit nilinaw ng Jun Arvin Gudoy, Director IV ng Public Affairs Service ng DepEd na hindi isyu sa module ang dahilan ng pagpapakamatay ng nasabing estudyante.
Ayon sa police report, natagpuan ng pamilya ang walang buhay na mag-aaral ng Cebuano National High School sa Barangay Cebuano sa Tupi, noong Martes sa loob ng kanilang lumang bahay sa Purok Big Spring.
Una na ring lumabas ang report na nahirapan ito sa subject na Math kaya sinabi niya na ibabalik ang module at titigil na lamang sa pag-aaral.
Base naman sa natanggap na report ni Gudoy, Pebrero pa lamang ay nakararanas na ito ng depresyon kaya naniniwala ang mismong ama at iba pang kamag-anak ng estudyante na hindi module ang dahilan ng pagpapatiwakal ng naturang bata.
Inihayag ni Gudoy na nabanggit kasi ng ina ng bata na hindi naisumite ang module sa takdang araw kaya marahil tumatak sa isip ng mga tao na ito ang dahilan ng pagpapakamatay. Dagdag nito, siguradong may konsiderasyon naman ang mga guro sa mga estudyante na late nang nakakapagsusumite ng modules.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY